Para sa Pagsali sa Ipsos iSay Panel (“Terms and Conditions”)
Upang maging miyembro ng Ipsos iSay Panel (ang "Panel"), ang consumer panel na pang-buong mundo ng Ipsos Inc. (“Ipsos”, “kami/namin,” ang “Kumpanya”), ikaw ay kailangang residente ng Pilipinas at may edad na 18 taong gulang o pataas, at tanggapin ang mga “Terms and Conditions” na ito (ang "Panellist"/"ikaw/ka/mo"). Kami ay nagbibigay ng pagkakataon sa aming mga Panellists na sumali ngayong araw sa pagsusuri at paghuhusga ng mga serbisyo at produkto para bukas/sa kinabukasan at ipahayag ang iyong mga opinyon sa maraming iba’t ibang mga isyu. Ang iyong boses ay kumakatawan sa libu-libong boses!
Ang Kumpanya ay incorporated at nakabase sa Pilipinas. Ang rehistradong opisina ng Kumpanya ay matatagpuan sa 7th Floor, Unit A, South Tower, Rockwell Business Center Sheridan, Sheridan Corner United Streets, Mandaluyong City, Philippines, Postal Code City – 1554 (SEC registration number is A199807767).
1. Mga Nilalaman
- 2. Pagsali sa Panel
- 3. Paggamit ng Iyong Personal na Impormasyon
- 4. Patakaran sa Email
- 5. Pagrerehistro ng Impormasyon tungkol sa Background
- 6. Paano Gumagana ang Panel?
- 7. Katanggap-tanggap na Paggamit at Pagsali/Partisipasyon
- 8. Privacy ng mga Bata
- 9. Pagbibigay sa Iyo ng Reward para sa Pagsagot sa mga Online Surveys
- 10. Cookies, Digital Fingerprinting, Mga Datos ng Device, at Iba Pang Impormasyon sa Iyong Device
- 11. Paunawa/Pabatid tungkol sa Confidentiality
- 12. Intellectual Property
- 13. “Indemnity” at Limitasyon ng Pananagutan
- 14. Mga Kondisyon sa Pagsali/Partisipasyon
- 15. Pagwawakas/Pagtigil ng Membership o Pagiging Miyembro
- 16. Hurisdiksyon
- 17. Makipag-ugnayan sa Amin
2. Pagsali sa Panel
Napapailalim sa mga kahingiang nabanggit sa itaas, ang lahat ay malayang mag-apply para maging miyembro ng Panel. Gayunpaman, taglay namin ang karapatan na tanggihan ang membership, na hindi kailangang magbigay ng paliwanag o rason sa pagtanggi.
Ang membership ay hindi bukas sa mga empleyado ng mga grupo ng kumpanya ng Ipsos pati na sa malalapit na miyembro ng kanilang pamilya.
3. Paggamit ng Iyong Personal na Impormasyon
Ang mga impormasyong nakolekta tungkol sa iyo ay tatratuhin nang may pinakamahigpit na pag-iingat at alinsunod sa lahat ng mga karampatang batas, regulasyon at patakaran kasama iyong mga may kaugnayan sa privacy at personal na mga datos gayundin sa aming mga patakaran sa privacy at cookies. Ang mga patakarang ito ay integral na parte nitong mga Terms and Conditions at matatagpuan dito: https://ipsosisay.com/fil-ph/privacy-policy at https://ipsosisay.com/fil-ph/cookies-policy.
Bilang parte ng pagsasagawang ito, kami ay nangangako na:
• Maliban sa may kaugnayan sa Panel na ito, hindi namin susubukang bentahan ka ng anuman o ipasa ang iyong personal na impormasyon sa mga third party para sa marketing o mga layunin sa pagbebenta.
• Ang mga indibidwal mong sagot sa mga survey ay mananatiling confidential at gagamitin lamang nang nakagrupo sa mga iba pang confidential na mga sagot, maliban kung ikaw ay tahasang nagbigay ng pahintulot.
• Ang pagtangging sumagot sa isang partikular na tanong sa survey na inimbitahan ka o pagtangging lumahok sa isang survey ay hindi magkakaroon ng mga resulta sa pagiging miyembro mo.
• Maaari mong sabihin na tanggalin ka sa Panel at tapusin ang pagiging miyembro sa anumang oras.
4. Patakaran sa Email
Sapagkat ikaw ay boluntaryong nagparehistro sa Panel, at kinompirma mo ang iyong e-mail address, hindi mo dapat markahan ang mga email o iba pang komunikasyong matatanggap mula sa amin bilang spam o unsolicited communication, at maaari kang maging responsable para sa anumang kalalabasang pinsala sa Ipsos.
Depende sa security settings ng iyong mail-box, ang mga imbitasyon na matatanggap mo mula sa amin para sumali sa survey ay maaaring mapunta sa bulk/junk mail o katulad na folder. Para ito ay maiwasan, paki-add po ang [email protected] sa iyong address book.
5. Pagrerehistro ng Impormasyon tungkol sa Background
Pagdating sa mga statistical analyses na ginagawa ng Ipsos para mga kliyente nito, kinakailangan ng Ipsos ang ilang demographic at personal na mga impormasyon tungkol sa iyo, kasama ang mga confidential na impormasyon, gaya halimabawa ng iyong income o kita.
Ang pagbibigay sa Ipsos ng personal na impormasyon ay isang kondisyon para sa pagsali/partisipasyon sa anumang survey dahil kung hindi ay hindi magiging posible para sa amin na malaman kung ang pagsali/partisipasyon mo sa anumang survey ay tumutugon sa mga pamantayan ng survey na iyon. Humihingi rin kami ng mga pangunahing detalye tungkol sa iyong sambahayan/pamilya at sa mga anak na maaaring mayroon ka at kung saan ikaw ang magulang/legal guardian.
Habang nasa proseso ng pagrerehistro at habang sumasali sa aming mga research survey, ikaw ay sumasang-ayon na magbibigay lamang ng totoo, wasto/tama, at kumpletong impormasyon, at sumasang-ayon ka na i-update ang mga ibinigay mong mga impormasyon na may kinalaman sa iyong Panel account para masiguro na ang mga ito ay nananatiling napapanahon, wasto/tama.
6. Paano Gumagana ang Panel?
Ang mga panelist ay makakatanggap ng mga may kaugnayang survey invitation link sa email, SMS o sa iba pang elektronikong komunikasyon mula sa Ipsos.. Wala kang obligasyon na sagutan ang mga survey na ito. Ang bawat survey ay maaari lamang sagutan nang isang beses. Huwag mong markahan ang mga e-mails mula sa Ipsos iSay bilang spam, na naipaliwanag na sa naunang seksyon. Ang Ipsos ay hindi obligadong padalhan ng mga survey ang lahat ng Panellists sa tuwing may bagong survey, at hindi rin magagarantiya ng Ipsos ang pinakamababa o pinakamataas na bilang ng mga survey sa loob ng isang taon.
Ang Ipsos ay mayroong “high data safety measures” o mahigpit na mga hakbang sa pangangalaga ng kaligtasan ng mga dataos. Gayunpaman, kung sakaling may lumitaw na mga virus sa mga e-mail na ipinadala sa iyo, ang Ipsos ay walang pananagutan sa anumang konsekwensya o maaaring idulot ng mga ganitong sitwasyon/pagkakataon, at samaktwid ay walang kompensasyon/kabayaran ang maaaring kunin o hingin mula sa Ipsos para rito.
7. Katanggap-tanggap na Paggamit at Pagsali/Partisipasyon
Kapag ginawang available, bilang isang Panelist magkakaroon ka rin ng access sa community ng mga miyembro at iba pang sosyal na interaksiyon na mga feature. Nauunawaan mo na anumang mga mensahe, opinyon, impormasyon, larawan o anumang ibang materyal na ipinost mo o ng ibang mga panelist ay tanging pananagutan ng taong nag-post ng materyal. Sumasang-ayon ka na hindi ka magpo-post o mag-a-upload na anumang materyal na:
• Na ilegal. Kasama rito ang mga content o anumang mensahe na nagtataguyod o nagtatalakay sa mga ilegal na aktibidad o nanghihikayat sa iba na gawin ang mga ito.
• Na mapang-abuso, malaswa, o mapangmuhi/kamuhi-muhi. Kasama rito ang wika o lengguwahe, impormasyon o mga imahe. Ang “masked swearing” o patago/palihim na pagmumura (tulad ng “f__k”) ay ikinokonsiderang katumbas ng aktwal na salita ng pagmumura.
• Na nagbabanta, nangha-harass, libelous o naninirang-puri sa pagitan ng mga Panellists o pinapatama/ibinabato sa isang Ipsos moderator o iba pang empleyado ng Ipsos.
• Na nag-uudyok ng pagkamuhi o karahansan.
• Na may diskriminasyon o pang-iinsulto sa lahi, etniko, sekswalidad.
• Na hindi angkop na mensaheng politikal o pangrelihiyon.
• Na naglalayong mag-advertise o magbenta ng anumang produkto o serbisyo.
• Na naglalaman ng mga virus, corrupted files, “Trojan Horses” o iba pang “malicious code”.
• Na naglalaman ng iyong personal na impormasyon o mga personal na detalye ng ibang tao.
• Na pagmamay-ari ng iba o naka-copyright sa iba.
Mahalagang pakatandaan na ang Ipsos ay hindi nagpi-pre-screen o nagsasala ng anumang impormasyon ipino-post ng mga panellists.
Gayunpaman, taglay ng Ipsos ang karapatan na tanggalin ang anumang content na naka-post, ito man ay sa “polls tool” o iba pang “interactive features” na ipinapagamit namin sa aming mga panellists ano mang oras.
8. Privacy ng mga Bata
Kung nagbigay ka ng impormasyon na may kinalaman sa mga bata sa iyong sambahayan at kinumpirma mong ikaw ang magulang o legal guardian, maaari kaming makipag-ugnayan sa iyo tungkol sa mga survey na gusto naming salihan at tapusin nila. Palagi kaming hihingi muna ng pahintulot mula sa iyo at hindi direktang makikipag-ugnayan sa bata, maliban lamang kung siya ay miyembro ng Panel batay sa sarili nyang kakayanan.
9. Pagbibigay sa Iyo ng Reward para sa Pagsagot sa mga Online Surveys
Sa tuwing makatatapos ka ng isang survey bago ang deadline, makatatanggap ka ng puntos o ibang reward o kaya ay isasali ka sa isang “prize draw”. Ang uri at laki ng reward o ng ‘prize draw’ ay mag-iiba-iba depende sa hirap, haba, o iba pang katulad na elemento ng survey.
Kung mag-request ka na ma-unsubscribe sa Panel, dapat mong i-redeen ang lahat ng iyong bonus points at ipagpalit ang mga ito sa voucher bago mag-unsubscribe, kung hindi mawawala ang mga natitirang points at awtomatikong mabubura ang iyong points account.Maaaring may mga pagkakataon na ang puntos para sa kakatapos lamang na survey ay hindi agad lumilitaw sa iyong account. Sa ganitong mga pagkakataon, ang puntos ay ilalagay rin sa iyong account sa kalaunan.
Taglay ng Ipsos ang karapatan, anumang oras, na magpatupad ng “verification period” (hindi hihigit sa 96 oras), at sa loob ng panahong ito ang iyong reward ay malalagay sa “Pending” status. Sa loob ng panahong ito, magsasagawa kami ng pagsusuri para sa “quality control” at para makaiwas sa panloloko/pandaraya.
Kung ang kailangang bilang ng mga Panellists ay nakasagot na sa isang survey, o kung hindi naaakma ang iyong profile, ang Ipsos o ang mga kliyente nito ay may karapatang itigil ang survey sa anumang yugto and hindi na mangolekta ng iba pang sagot. Sa ganitong sitwasyon at depende sa naabot na yugto o parte ng survey, maaaring magbigay ng mas mababang puntos o kaya naman ay hindi magbibigay ng puntos.
10. Cookies, Digital Fingerprinting, Mga Datos ng Device, at Iba Pang Impormasyon sa Iyong Device
Layunin namin na:
• Masiguro na ang survey ay maibigay sa iyo sa porma na angkop sa iyong device.
• Makatulong sa pagbibigay ng support kung sakaling magkaraoon ka ng anumang problema sa pag-access o pagkumpleto ng survey.
• Gumamit ng impormasyon na walang pangalan kapag posible para mga layunin ng pananaliksik. Halimbawa, upang matukoy ang porsiyento ng Mga Panelist na gumagamit ng ilang uri ng browser sa partikular na bansa.
Ang mga dahilan sa paggamit ng mga hakbang sa ibaba ay inilarawan sa mas detalyadong paraan sa aming patakaran sa privacy.
Cookies
Batay sa mas detalyadong pagkakalahad sa aming patakaran sa cookie, kami ay gumagamit ng iba’t ibang uri ng cookies at maaari ring magbasa ng cookies ng mga “third party”. Bukod sa mga mayroon kang pahintulot, ang mga cookies ay ginagamit para sa “statistical purposes”, quality control, validation, pag-iwas sa panloloko/pandaraya at pagpigil sa panloloko/pandaraya.
Digital Fingerprinting
Kami ay maaari ring gumamit ng teknolohiya ng “digital fingerprinting”, na kilala rin sa tawag na “Machine Identification” digital fingerprints, para kumalap ng ilang impormason tungkol sa hardware at software ng iyong device.
Mga Datos ng Device at Iba Pang Impormasyon sa Iyong Device
Kami ay maaari ring gumamit ng ilang impormasyon tungkol sa hardware at software na nasa iyong device para sa mga layunin ng quality control at pag-iwas sa panloloko/pandaraya.
Awtomatiko rin naming kinukuha ang impormasyon ng iyong IP address, datos ng lokasyon, operating system, screen display settings, uri ng browser, paggamit ng Flash at Java, at kung ang iyong device ay may webcam.
11. Paunawa/Pabatid tungkol sa Confidentiality
Bilang kasali sa research, ikaw ay maaaring atasan na suriin ang mga bagong konsepto, produkto, at packaging na dini-develop pa lamang at hindi pa naisasapubliko. Ikaw ay maari ring magkaroon ng ugnayan, payagan na makita, gamitin, o magkaroon ng access sa non-public, confidential, proprietary, o trade secret information o materyal na solo at ekslusibong pag-aari ng aming kliyente, kasama ang, walang limitasyon, impormasyon na may kinalaman sa mga produkto ng kliyente (collectively, “Confidential Information”). Hindi mo dapat kopyahin, i-print, i-store, i-forward o ibunyag o ibahagi sa sinuman sa anumang paraan, ang Confidential Information na magkakaroon ka ng access, at hindi mo dapat gamitin ang “Confidential Information” para sa ibang dahilan bukod sa dahilan kung bakit ibinahagi ito sa iyo.
12. Intellectual Property
Ang Ipsos ang magmamay-ari at mananatiling ekslusibong may-ari ng mga trademark, logo, copyright, anumang content ng website nito, at iba pang intellectual property rights (“Ipsos IP”). Hindi mo maaaring gamitin o i-reproduce o kopyahin ang anumang Ipsos IP nang walang kasulatan ng pagpapahintulot ng Ipsos. Walang ano pa man sa “Terms and Conditions” na ito ang maaring basahin o ipakahulugan na nagbibigay sa iyo ng lisensya, karapatan, titulo, o interes sa anumang Ipsos IP, o anumang patent, trademark, copyright, “know-how” o praktikal na kaalaman paano isagawa ang isang bagay, o iba pang katulad nito na pagmamay-ari o kontrolado ng Ipsos ngayon at sa mga magiging pagmamay-ari o kontrolado ng Ipsos mula ngayon.
13. “Indemnity” at Limitasyon ng Pananagutan
Ikaw ay sumasang-ayon na i-“indemnify”, depensahan, at i-“hold harmless” ang Ipsos at ang bawat isa sa mga opisyal, partner, kliyente, tagapamahala/tangapangasiwa, empleyado, ahente, abogado, mula sa at laban sa anuman at lahat ng “liabilities, claims, actions, suits, proceedings, judgments, fines, damages, costs, losses, and expenses” (kasama ang makatwirang legal fees, gastos sa korte at/o settlement costs) na nagmula sa o may kinalaman sa: (i) iyong membership sa Panel, (ii) partisipasyon mo sa mga research survey na isinagawa ng Ipsos, (iii) anumang third party claims, o (iv) anumang “breach” o hindi mo pagsunod sa/paglabag mo sa mga “Terms and Conditions” na ito.
Anumang aksyon na labag sa batas o may dulot na kapahamakan na ginagawa o idinulot mo sa panahon na ikaw ay miyembro ng Panel o sa pagsali mo sa mga research survey na isinagawa ng Ipsos, na maaaring ituring na paglabag sa “criminal at/o civil law” ay magbibigay ng karapatan sa Ipsos na maghanap ng lahat ng pwedeng remedyo para rito sa buong saklaw na pinahihitulutan ng batas at sa pagiging patas at walang pagkiling. Ang Ipsos ay nagdi-“disclaim” sa ano mang “warranties”, tahasang sinabi o ipinahiwatig, na may kinalaman sa iyong pagiging miyembro ng Panel at sa iyong pagsali sa mga research survey na isinagawa ng Ipsos at ang Ipsos ay hindi magkakaroon ng anumang pananagutan (including without limitation liability for any indirect, special, incidental or consequential damages), sa iyo o sa anumang third party, para sa iyong membership sa Panel at sa iyong pagsali sa mga research survey na isinagawa ng Ipsos.
Pakakawalan at walang-hanggan mong palalayain/pawawalang-sala ang Ipsos, ang kliyente ng Ipsos, ang bawat isa sa kanilang mga “affiliated companies”, ang bawat isa sa kanilang mga opisyal, director, shareholder, empleyado, at ahente mula sa at laban sa lahat mga “claims, lawsuits, causes of action, demands, losses, liabilities, obligations, judgments, damages, costs and expenses of any kind (including reasonable attorneys' fees) ("Losses") na nagmumula sa, direkta o hindi direkta, anumang injury, kamatayan, pinsala sa property o pag-aari, o ibang pinsala na tinamo mo o diumano ay tinamo mo na nagresulta mula sa distribusyon, pagbebenta, konsumpsyon o paggamit ng o pagkakaroon ng kontak sa isang produkto na konektado sa anumang product test at evaluation research. Ito ay hindi sumasaklaw sa anumang “Losses” na maaaring dulot ng matinding kapabayaan ng kliyente ng Ipsos o ng Ipsos o sa anumang pananagutan nila sa ilalim ng naangkop na “product liability” o “consumer protection legislation”.
14. Mga Kondisyon sa Pagsali/Partisipasyon
Taglay ng Ipsos ang karapatan, anumang oras, na baguhin ang mga “Terms and Conditions” na ito. Ipagbibigay-alam namin sa iyo ang anumang update sa pamamagitan ng seksyon ng FAQ ng “Panel members’ website”.
Paminsan-minsan, maaari kaming makipag-ugnayan sa iyo sa pamamagitan ng e-mail para sa ng pamamahala ng account, at sa pamamagitan din ng e-mail newsletters o espesyal na anunsyo na naglalaman ng mga pangunahing impormasyon na may kinalaman sa iyong “Panel membership activity” at mga pangunahing update sa Panel (“Membership Updates”)
Maaari rin kaming magpadala sa iyo ng email tungkol sa (i) mga reward na maaari mong makuha sa pamamagitan ng pagsali sa aming mga survey, at (ii) mga bagong Panel “engagement campaigns” na mayroon kami tungkol sa mga (bago) Panel rewards at/o pag-redeem (o kung tawagin sa kabuuan ay “Engagement Updates”). Ang pagtaggap sa mga “Engagement Updates” na ito ay opsyonal at maaari kang hindi sumali o tumanggi sa “Engagement Updates” anumang oras sa pamamagitan ng “unsubscribe link” na nakalagay sa mga email na iyon.
Sa ilang pagkakataon, ang mga indibidwal na survey ay maaaring magkaroon ng mga karagdagang kondisyon, at ang mga ito ay ipapaalam sa iyo sa simula ng survey na iyon. Wala kang anumang obligasyon na tanggapin ang mga karagdagang kondisyon, subalit ito ay maaaring makaapekto sa eligibility mo na sumali sa survey na iyon.
15. Pagwawakas/Pagtigil ng Membership o Pagiging Miyembro
Maaari kang mag-request sa anumang oras para maputol ang pagiging miyembro mo. Maaari mong gawin ito sa pagpapadala ng email sa [email protected] o sa pag-click sa naaangkop na link sa loob ng iyong online Ipsos iSay account dashboard. Tandaan na maaari itong umabot ng hanggang limang (5) araw para lubos na maproseso ang iyong request at alisin ang iyong impormasyon mula sa lahat ng system namin, kaya maaari ka pa ring makatanggap ng pana-panahong email mula Ipsos sa panahong ito. Kung mag-request ka na ma-unsubscribe sa Panel, dapat mong i-redeen ang lahat ng iyong bonus points at ipagpalit ang mga ito sa voucher bago mag-unsubscribe, kung hindi mawawala ang mga natitirang points at awtomatikong mabubura ang iyong points account.
Maaari naming putulin ang pagiging miyembro mo sa anumang oras sa loob ng limang (5) araw na abiso. Taglay rin ng Ipsos ang karapatan na wakasan ang iyong Panel membership nang walang karagdagang paunawa dahil sa anumang gawaing labas o labag sa aming pamantayan ng kalidad o mga layunin ng business, o ano pa mang ibang paglabag o hindi pagtupad sa mga “Terms and Conditions” na ito, sa patakaran sa privacy o sa mga ipinapatupad na tuntunin ng survey. Kung sakaling maganap ang pagwawakas, ikaw ay bibigyan namin ng 10 “calendar days” para i-redeem ang lahat ng iyong reward points na naipon mo bago ang araw ng pagwawakas.
Ang pagwawakas ng Ipsos sa iyong Panel membership dahil sa mapanlinlang/mapanlokong paggamit o gawi, o seryosong paglabag at hindi pagsunod sa mga “Terms and Conditions” na ito, sa patakaran sa privacy, o sa mga alituntunin ng survey, ay maaaring magresulta sa agarang pagtanggal/pagkawala ng lahat ng mga reward o mga puntos na naipon na may kinalaman sa ganoong klase ng paggamit, gawi, o paglabag o hindi pagsunod (kasama ang mga puntos o iba pang mga reward na naka-Pending status, kung ano man ang kalagayan). Ang paggamit ng “panellist account” ng isang indibidwal na hindi kanya ay maaaring ituring na hindi awtorisadong paggamit at maaaring maging “grounds” o batayan ng agarang pagwawakas at pagkawala ng mga puntos.
Pinanghahawakan ng Ipsos ang karapatan na burahin ang di-aktibong mga Panelist mula sa Panel. Ibig sabihin nito ay puputulin ang pagiging miyembro ng Panelist kung ang Panelist ay walang kahit isang anumang aktibidad sa Panel o hindi sumasagot sa anumang imbitasyon sa survey (sa pamamagitan ng pag-click sa anumang link) nang higit sa labindalawa (12) na buwan. Ipapaalam ng Ipsos sa iyo ang naturang terminasyon ay mayroon kang tatlumpu (30) araw para i-redeem ang anumang natitirang points, o i-reactivate ang iyong account, kung hindi ang naturang points ay mawawala at mabubura lahat.
16. Hurisdiksyon
Ang mga “Terms and Conditions” na ito ay “governed” o pinamamahalaan ng batas ng Pilipinas at ng hindi eksklusibong hurisdiksyon ng mga korte ng Pilipinas.
17. Makipag-ugnayan sa Amin
Para sa karagdagang impormasyong tungkol sa aming mga panel, Panel membership, o impormasyon na may kinalaman sa iyong membership sa isa sa aming mga panel, makipag-ugnayan sa aming Panel Support Team. Maaari silang makontak sa pamamagitan ng:
Pagpapadala ng e-mail sa: [email protected] na ang subject ay “Ipsos iSay Panel”
O pagpapadala ng sulat sa:
Ref: Ipsos iSay Panel
Panel Support Team
Ipsos Inc.
7th floor, Unit A, South Tower,
Rockwell Business Center Sheridan,
Sheridan cor. United Streets,
Mandaluyong City, Philippines 1554