Mga Tuntunin at Kondisyon ng "Refer friends" Program
Kahit sinong karapat-dapat na miyembro ng i-Say ngayon ay maaaring sumali sa programa na pinahihintulutan ang panelist na mag-imbita sa ibang tao na mag-register sa i-Say Panels. Ang inyong pagsali sa programang ito ay pinamamahalaan ng Mga Tuntunin at Kondisyon na ito at sa pagsali sa programang ito ay tinatanggap at sumasang-ayon kayo na sundin ang Mga Tuntunin at Kondisyon ng "Refer friends" Programa na nakalahad sa ibaba.
1) "Refer friends" Program Provider:
Ang "Refer friends" Program ay pinatatakbo ng Ipsos Inc., na mayroong rehistrasyon sa SEC Bilang A1998-7767, na ang rehistradong tanggapan ay nasa 7th Floor, Unit A, South Tower, Rockwell Businesss Center Sheridan, Sheridan Corner United Street, Mandaluyong City, Philippines, Postal Code City – 1554, na tinatawag na "IPSOS" o "Program Provider". Ang Ipsos ay bahagi ng Ipsos worldwide group of companies. Walang bisa ang Programa kung saan ito ipinagbabawal.
2) Mga kahulugan:
Ang ibig sabihin ng "Ipsos Group" ay Ipsos at ang mga kaakibat nito.
Ang ibig sabihin ng "Program" ay "Refer friends" Program.
Ang ibig sabihin ng "Program Terms and Conditions" ay ang anumang bersyon nitong mga tuntunin at kondisyon.
Ang ibig sabihin ng "Referee Panellist", "You", "Your" ay ang karapat-dapat na panelist ng i-Say Panel na interesado, o nagampanan ang mga kondisyon sa pagiging bahagi ng Programa.
Ang ibig sabihin ng "referral Link" ay ang link sa Recruitment Questionnaire na nagdidirekta sa tao o mga tao, ang tatanggap o mga tatanggap ng i-Say Panels at www,i-say.com, ay ginawang magagamit sa Referee Panelist ng Program Provider. Ang bawat Referral Link ay natatangi at kikilala sa Referee Panilist kung kanino ito itinalaga ng Program Provider.
Ang ibig sabihin ng " Referred Panelist" ay isang indibidwal na:
- (i) may tirahan sa isa sa mga bansang kung saan ang programang “Refer friends” ay aktibo
- (ii) mayroon wastong email address, at
- (iii) nagkaka-edad ng 18 na taon at pataas, na hinihingi ng mga tuntunin at kondisyon ng nasabing i-Say Panel, at
- (iv) hindi pa miyembro ng i-Say Panels, at
- (v) hindi miyembro ng Inyong sambahayan o empleyado ng Ipsos o ng anumang kompanyang kaakibat ng Ipsos Group, at
- (vi) matagumpay na rehistrado bilang miyembro ng i-Say Panel, sa pamamagitan ng Referral Link (matapos makumpleto at sinumite ang Recruitment Questionnaire na may wastong impormasyon, katulad ng no blanks fields, no wrong character) at istriktong sumusunod sa mga tuntunin at kondisyon ng i-Say Panels upang maging miyembro ng i-Say Panels, at
- (vii) tumutugon sa anumang specific profile requirements at criteria na kinikonsidera ng Program Provider na mahalaga base sa specific referral campaigns na maaaring ipatutupad ng Program Provider sa anumang oras.
Ang ibig sabihin ng "Recruitment Questionnaire" ay ang online questionnaire na magagamit kapag inaccess ang Referral Link, na kailangang sagutan ng Referred Panelist upang sumali sa i-Say Panels.
Ang ibig sabihin ng "Personal Data" ay anumang impormasyon (na hindi lamang nalilimita ang pangalan, email address, iba pang contact information, demographic information, substantive survey responses at iba pang personal na pagkakakilanlang impormasyon ) na may kinalaman sa nakilala o makikilalang indibidwal, ang isang makikilalang indibidwal ay iyong makilala direkta man o hindi, kabilang na ang Referred Panelist at ang Referee Panelist o kahit sinong miyembro ng i-Say Panels.
3) Mga pagbabago sa Mga Tuntunin at Kondisyon ng "Refer friends":
3.1 Ang Program Provider ay may karapatang baguhin ang mga Tuntunin at Kundisyon ng programa kahit anumang oras nang walang karagdagang abiso. Ipapaalam namin ang anumang mga pagbabago sa Mga Tuntunin at Kundisyon sa mga miyembro ng programa sa pamamagitan ng pag-post ng mga ito sa website ng Ipsos iSay Panel www.ipsosisay.com at agad silang magiging epektibo.
3.2 Kung hindi ninyo tatanggapin ang bagong Mga Tuntunin at Kondisyon, maaari kang umayaw mula sa programa sa pamamagitan ng pagsunod ng mga hakbang na inilatag sa Section 9 (Tuntunin at Pagtatapos) – section 9.4 sa ibaba. Sa pagpapatuloy bilang kasali matapos ang bagong Mga Tuntunin at Kondisyon ay malathala sa *missing text*, Kayo ay tumanggap at sumang-ayon na sumunod sa bagong Mga Tuntunin at Kondisyon.
4) Sino ang karapat-dapat na sumali sa Programang ito:
Kahit na sinong miyembro ng i-Say na naka-kumpleto ng kahit na isang incentivitized survey na may markang "Complete" sa oras ng referral, ay karapat-dapat na sumali sa Programang ito at maaaring komontak ng ibang tao upang imbitahin na magparehistro sa i-Say Panels sa pamamagitan ng pagpadala ng Referral Link, kapag:
- a) Pinadala ninyo ang Referral Link alinsunod sa lahat ng mga batas at regulasyon kabilang ngunit hindi limitado sa Data Protection and Privacy and Electronic Communications laws (hal. ang Regulation (EU) 2016/679 sa pagprotekta ng natural persons patungkol sa pagproseso ng personal na data at sa free movement ng data, at repealing Directive 95/46/EC (General Data Protection Regulation)).
- hal. ang Regulation (EU) 2016/679 sa pagprotekta ng natural persons patungkol sa pagproseso ng personal na data at sa free movement ng data, at repealing Directive 95/46/EC (General Data Protection Regulation)).
- b) Patas at naaayon sa batas ninyong gimamit ang Personal Data na may kinalaman sa mga indibidwal na Inyong pinadalhan ng referral Link.
- c) Ang mga indibidwal na pinadalhan ninyo ng Referral Link ay tumutugon sa lahat ng criteria na nakalista sa kahulugan ng "Referred Panelist".
- d) Hindi ninyo sinisingil ang mga indibidwal na tumanggap ng Referral Link, nag-alok ng pera, nagbigay ng kahit anong bagay kapalit nito o iba pang reward upang sila ay pagbawalan o hikayatin ng sumali sa i-Say Panels.
- e) Ang inyong pakikipag-ugnayan kung saan Kayo ay nagpadaa ng Referral Link at/o naglalaman ng Referral Link ay walang nilalaman na pormographic content, sinusulong ang pagsusugal o maglalaman ng nakakasakit, mapanlinlang o nakakahiyang bagay.
- f) Hindi Ninyo ilalagay ang Referral link sa websites, socila media, emails o ano iba pang lokasyon o pakikipag-ugnayan na gumagamit ng pera bilang reward schemes o sinusulong ang pagsusugal, pornographic content, o naglalaman ng iba pang nakakasakit, mapanlinlang o nakakahiyang bagay.
- g) Kung sakaling ang Program Provider ay maglalabas ng specific referral campaigns sa takdang oaras, ang bagong Referral Panelist kay kailangang sumagot sa specific profile requirements and criteria na kinokonsidera ng Program Provider na mahalaga base sa specific referral campaigns.
- i) Hindi ninyo nilalabag ang mga tuntunin at kondisyon ng i-Say Panels, at iyong mga miyembro lamang ng i-Say Panels na istriktong sumusunod sa mga tuntunin at kondisyon ng i-Say ang karapat-dapat na sumali sa Programa at makinabang sa Program Rewards.
5) Paano makibahagi sa Programang ito:
Kapag ang mga eligibility conditions at iba pang kondisyon na nasa Mga Tuntunin at Kondisyon ng Programa ay nasusunod, makakasali Kayo sa Programa sa pamamagititan ng pagbahagi ng inyong Referral Link sa mga websites at social media, o sa email.
6) Mga Panuntunan sa pamamahala ng Inyong paggamit ng Referral Link:
6.1 Ang Program Privider ay mayroong karapatang baguhin ang Referral Link sa ano mang oras at ang Referee Panelist ay gagamit lang ng pinakabagong Referral Link na binigay ng Ipsos.
6.2 Ang Program Provider ay magbibigay sa Referee Panelist ng isang royalty-free, non-exclusive, non-transferable, non-assignable, limited, revocable license para sa natatanging paggamit ng Referral Link upang imbitahin ang iba pang mga indibidwal na magparehistro sa i-Say Panels.
6.3 Naintindihan at tinatanggap ninyo na kayo ay hindi dapat gumamit ng Referral Link sa anumang websites o iba pang blogs o forums na nagbabawal sa paggamit nito. Tinatanggap ninyo na ang paggawa ng ganito ay magbubunga sa dagliang pagwawakas ng inyong pagsali sa Programang ito.
6.4 Kapag ginamit Ninyo ang email addresses, contact details o iba pang Personal Data na mayroon kayo na pagmamay-ari ng iba pang indibidwal habang lumalahok sa Programang ito, dapat ninyong gawin ito alinsunod sa inyong mga obligasyon bilang data controller at alinsunod sa sa data protection laws.
6.5 Habang nakikibahagi kayo sa Programa, kailangang tiyakin ninyo ang pagsunod sa lahat ng advertising standards at/o consumer protection regulations na maaarng gamitin habang kayo ay gumagamit o nagpapadala ng Referral Link.
6.6 Kinukumpirma ninyo na kayo o ang inyong paggamit ng Referral Link ay hindi lumalabag sa intellectaul property rights o ibang karapatan ng ibang third party.
6.7 Gagamitin lang ninyo ang Referral Link na natanggap mula sa Program Provider habang sumasali sa Programa.
6.8 Hindi ninyo iibahin, babaguhin sa anumang paraan ang Referral Link na natanggap mula sa Program Provider.
6.9 Hindi ninyo dapat ilipat ang anumang karapatan at obligasyon na nasa Mga Tuntunin at Kondisyon, ang anumang paglipat ay walang bisa.
6.10 Hindi ninyo gagamitin o paramihin ang Ipsos Group's company name(s), trading name(s), trademarks, brand names o logos na walang nakasulat na pahintulot mula sa Program Provider. Sumasang-ayon kayo na ang Referral Link na binigay sa inyo upang kayo ay makasali sa Programang ito , kabilang na ang potential artwork, content, design and other intellectual property rights na mayroon ang Program Provider ay solong pinagmamay-arian ng Program Provider at bumubuo ng confidential and proprietary information ng Program Provider. Hindi ninyo ibebenta, gamitin o ipagsasabi para sa inyong sariling pakinabang o pakinabang ng ibang third party, ang intellectual property na ito o iba pang impormasyon na confidential at/o proprietary sa Program Provider nang walang pinahayag na nakasulat na pahintulot ng Program Provider.
6.11 Hindi kayo lilikha, lalathala, ipamamahagi o pahintulutan ang anumang nakasulat na materyal na may kinalaman sa Programang ito o ng Program Provider nang hindi muna sinumite ang mga materyal sa Program Provider at makatanggap ng aming nakasulat na pahintulot na maaari naming pigilan base sa aming paghuhusga.
6.12 Naintindihan at tinatanggap ninyo na ang sino mang panelist na nabuo sa pamamagitan ng inyong referral efforts sa panahon nga Programa at ang kanilang nauugnay na mga impormasyon at/o data, ay solong pagmamay-ari ng mga Panelist at ng Program Provider. Hindi kayo humihingi ng anumang karapatan sa nasabing impormasyon at hindi gagamitin ang mga impormasyong ito para sa pansarili ninyong kapakanan sa anumang paraan.
6.13. Naiintindihan, tinatanggap at sumasang-ayon kayo sa pagsubaybay ng Program Provider sa inyong paggamit ng Referral Link kabilang na ang pagpapanatili ng isang talaan sa paggamit ng Referral Link.
7) Mga Panuntunan na namamahala sa pagtanggap at pagpapatunay ng Referrred Panelist na Inyong ni-recruit:
7.1 Ang Program Provider ay magre-reward sa mga Referee Panelists na sumali sa Programa para sa bawat bagong Referred Panelist na na-recruit sa pamamagitan ng Referral Link at natanggap sa i-Say Panels ng Provider, kapag:
- a) Ang paggamit ng Referral Link ng Referee Panelist ay istriktong naaayon sa mga panuntunan na namamahala sa paggamit ng Referral Link ang ng Mga Tuntunin at Kondisyon.
- b) Ang Referred Panelist ay matagumpay na naiheristro sa i-Say Panel, nakakumpleto ng kahit 1 survey na may markang "Complete, Quota full or Non qualify" at nananatiling aktibong miyembro sa loob ng 30 araw habang istriktong sumusunod sa mga tuntunin at kondisyon ng i-Say.
- c) Ang Referee Panelist ay sumunod sa mga eligibility conditions nitong Mga Tuntunin at Kondisyon.
7.2 Ang mga Referee Panelists ay may reward na 200 points sa bawat napatunayang Referred Panelist, na na-recruit bilang resulta ng pagsali ng Referee Panelist sa Programa ta natanggap sa i-Say Panel.
7.3 Ang points ay ibibigay sa account ng Referee Panelist na hindi hihigit sa 5 araw pagkatapos matagumpay na sumali ang Referred Panelist sa i-Say Panel at nakakumpleto ng 3 incentivised survey na may markang "Complete, Quota full o Non qualify". Kayo ay magakakaron lang ng hanggang 10 validated Referred Panelists bawat buwan.
7.4 Sakaling ang Program Provider ay maglalabas ng specific referral campaigns Progam sa anumang oras, ang mga Referees ay maaring magkaroon ng incentive na para lang sa specific na referral campaign program base sa Mga tuntunin at Kondisyon at kabilang ang anumang specific conditions na ipapaalam sainyo ng Program Provider. Kahit anumang specifc referral campaign Program ay pamamahalaan ng Mga Tuntunin at Kondisyon ng Programa na inyong tinanggap at sinang-ayunang sundin.
7.5 Ang inyong pagsali sa Programa ay matatapos sa anumang dahilan hindi kasama ang nakasaad sa Section 9.3 ng Mga Tuntunin at Kondisyon ng Programa. Inyong matatanggap ang inyong mga points na naaayon sa seksyon na ito hanggang sa petsa ng pagtatapos ng inyong pagsali.
8) Liability; Disclaimer of Warranties; Limitation of Liability:
8.1. Sumasang-ayon kayo na magbayad ng pinsala, ipagtanggol at hindi makakapinsala sa Program Provider at sa officer, partners, managers, employees, agents and attorneys mula at laban sa anuman at lahat ng pananagutan, mga claims, aksyon, mga demanda, paglilitis, mga paghatol, mga multa, pinsala, gastos, mga nawala at gastos (kabilang na ang resonableng attorney's fee, court costs at/o settlement costs na nagmula sa:
- a) Ang inyong pagsali sa Programa;
- b) ang anumang third party claims na may kinalaman sa inyong pagsali sa Programa; at
- c) ang anumang paglabag ninyo sa Mga Tuntunin at Kondisyong ito
8.2. Ang Referee Panelist at sumasang-ayon na ang anumang hindi otorisado at/o labag sa batas na paggamit ng Programa at/o ng Referral Link ay magbubunga ng hindi maaayos na pinsala sa Program Provider na ang ibabayad na pera ay hindi sapat at sumasang-ayon na ang ibabayad na pera at hindi sapat na lunas para sa paglabag nintong mga Tuntunin at Kondisyon ng Programa at sa karagdagan sa iba pang lunas na magagamit sa batas, ang Program Provider ay mayroong karapatan sa specific performance and injunctive or other equitable relief, without the necessity for the posting of any bond or security, bilang lunas sa naturang paglabag.
8.3. Ang anumang labag sa batas o nakakahiyang aksyon ng Referee Panelist habang sumasali sa Programa na maaaring ikonsiderang labag sa kriminal at/o sibil na batas ay magbibigay ng karapatan sa Program Provider na maghanap ng lunas para dito laban sa anumang labag sa batas at nakakahiyang aksyon hanggang sa kung ano ang pinapayagan ng batas at kung magkano ang halaga.
8.4. Itinatanggi ng Program Provider ang anumang warranties, ipinahayag o ipinahiwatig man na may kinalaman sa Referral Links, ng Programa at ng i-Say Panel website.
8.5. Ang Program Provider ay walang anumang pananagutan (kabilang ang walang limitasyon na pananagutan para sa anumang hindi direkta, espesyal,nagkataon, may parusa o consequential damages), sa Referee Panelists, users o third party, para sa paggamit ng Referee Panelist o ang walang kakayahang gumamit, ang Referral Links, ang Programa at ang i-Say Panel. ang Program Provider ay walang pananagutan PARA sa anumang hindi direkta, esesyal,nagkataon, may parusa o consequential damages (KABILANG ANG WALANG LIMITASYON NA PAGKAWALA NG KITA AT NAWALANG REVENUE KUNG O HINDI ANG NATURANG PINSALA AY NAUURI BILANG DIREKTANG PINSALA) SA INYO, na nangyari o na may kinalaman sa Kasunduang ito, kung o hindi napayuhan ang PROGRAM PROVIDER sa posibilidad ng naturang pinsala ant kung o hindi batay sa paglabag ng kontrata, tort o anumang teorya sa batas o sa halaga.
8.6 Ang kabuuang pinasama-samang pananagutan ng Program Provider sa Referee Panelist at/o sa third party, sa anumang klaseng aksyon, na hindi lalampa sa halaga na katumbas sa rewards na natanggap ng Referee Panelist mula sa Program Provider sa panahon ng pagsali ng Referee Panelist sa Programang ito..
9) Tuntunin at Pagwawakas
9.1. Ang Programa ay may bisa simula 10/10/2022 at mananatiling may bisa hanggang ipapahinto ng Program Provider (the "Term").
9.2. Maaaring wawakasan ng Program Provider ang inyong pagsali sa Programa sa anumang oras nang walang karagdagang abiso at sa anumang dahilan, sa kanilang sariling paghuhusga. Kabilang sa mga dahilan na ito, na walang limitasyon, kung isaalang-alang namin na kayo (i) ay lumabag sa Mga Tuntunin at Kondisyon ng Programa sa anumang paraan o (ii) nagsulong o ginamit ang Referral Link sa anumang mapanlinlang na pamamaraan.
9.3. Kapag wawakasan ng Program Provider ang inyong pagsali sa Programa dahil sa inyong paglabag sa Mga Tuntunin at Kondisyon ng Programa, kayo ay mawawalan ng karapatang makatanggap ng reward para sa inyong referral activities at ang inyong pagsali sa Programa ay agad-agad na wawakasan. Kailangan ninyong tumigil agad sa inyong pagsali sa Programa, tanggalin ang lahat ng Referral Links sa mga websites at social media na maaring ginamit ninyo at tumigil sa anumang aktibidad o aksyon na lumabag sa mga Mga Tuntunin at Kondisyon ng Programa. Bilang karagdagan sa mga lunas na kinokonsiderang angkop ng Program Provider, kayo rin ay direktang may pananagutan sa lahat ng gastos at legal fees mula sa inyong paglabag sa mga Tuntunin at Kondisyon ng Programa.
9.4. Maaari ninyong wawakasan ang inyong pagsali sa Programang ito anumang oras sa pamamagitan ng pagtanggal sa lahat ng Referral Links sa mga websites at social media na inyong ginamit. Magkakaroon kayo ng reward sa mga bagong Referred Panelist na tinanggap at napatunayan sa panahon na naaayon nitong Mga Tuntunin at Kondisyon ng Programa.
9.5 Sa pagwawakas ng inyong pagsali sa Programa, ang anumang lisensya na pinagkaloob nitong Mga Tuntunin at Kondisyon ng Programa, kasama na ang walang limitasyon sa Referral Link, ay agad-agad na titigil.
10) Hurisdiksyon
Ang mga Tuntunin at Kondisyon ng Programa ay pamamahalaan at napapakaluhugan ayon sa English Law at ang anumang alitan na hindi maaareglo ay isususmite sa non-exclusive jurisdiction of the English Courts.
11) Miscellaneous:
Ang mga Headings at captions na ginamit sa Mga Tuntunin at Kondisyon ng Programa ay para lang sa kaginhawaan at hindi gagamitin sa pagbibigay ng kahulugan nitong Mga Tuntunin at Kondisyon ng Programa. Kung ang anumang provision nitong mga panuntunan ay hindi na valid, iligal o hindi maipapatupad, ang provison na ito ay limitado at tatanggalin upang itong mga panuntunan ay mananatiling buo na mapapatupad. Ang Mga Tuntunin at Kondisiyon ng Programang ito ay ang bumubuo ng buong kasunduan sa pagitan ng mga partido na may kaugnayan sa paksang pinag-uusapan dito at pinalitan ang lahat ng mga naunang kasunduan at talakayan, nakasulat man o pasalita, na nauugnay sa paksa.