Ang inyong privacy ay mahalaga sa amin

Ang inyong privacy ay mahalaga sa amin

Ang Ipsos Inc. (ang “Kumpanya”) ay isang korporasyon na inorganisa gaya nang nararapat at umiiral sa bisa ng mga batas ng Republika ng Pilipinas. Ang rehistradong opisina ng Kumpanya ay matatagpuan sa 7th Floor, Unit A, South Tower, Rockwell Business Center Sheridan, Sheridan Corner United Streets, Mandaluyong City, Philippines, Postal Code City – 1554 (SEC registration number is A199807767).

Ang Kumpanya ay parte ng grupo ng mga kumpanya ng Ipsos sa buong mundo. Ang patakaran sa privacy na ito ay nagpapaliwanag kung paano namin ginagamit ang anumang personal na impormasyong kinokolekta namin mula sa iyo (“Panellist”, “ikaw”, “ka”, “mo/mong”, “iyo/iyong”), kapag ikaw ay sumali sa Ipsos iSay on-line panel (“Panel”), nakikibahagi sa mga survey o gumagamit ng Panellists website o iSay mobile application.

Topics:

Para sa ilang piling pag-aaral, kukuha kami ng impormasyon na maaaring hawak ng o mayroon ang ibang kumpanya tungkol sa iyo at naaakma para sa research na inanyayahan ka naming sumali. Kabilang dito ang pagpasa ng Ipsos ng mga pagkakakilanlan gaya ng iyong pangalan, postal code at/o email address sa ibang kumpanya para matukoy nila ang iyong mga rekord at saka naman ipapasa ang mga mahahalagang datos sa amin na ili-link o ikakabit sa mga sagot mo sa survey, para maanyayahan ka namin para sa panibagong klase ng survey.

1. Bakit Kami Kumukolekta ng Impormasyon Mula sa Iyo

Ang pangunahing layunin kung bakit kami kumukolekta ng impormasyon mula sa iyo ay ang pagsasagawa namin ng market research. Kapag sumali ka sa aming Panel, pumapasok kami sa isang kontrata/kasunduan sa iyo, na napapailalim sa Patakaran sa Privacy na ito at sa aming Mga Tuntunin at Kundisyon.

Para masunod/matupad ang kontratang ito sa pamamagitan ng pag-anyaya sa iyo sa mga naaakmang survey, kailangan naming kolektahin at iproseso ang mga impormasyong hiningi habang nagre-recruit o sa mga idinagdag mo sa iyong profile sa “Membership panel site” o ang mga nakolekta namin na naaayon sa Patakaran sa Privacy at iproseso ito gamit ang automated na paraan. Ang impormasyong ito ay hihingin din sa iyo para maibigay ang mga reward at para makipag-ugnayan sa iyo o kontakin ka tungkol sa anumang survey.

Kumukolekta rin kami mula sa iyo ng mga impormasyon batay sa iyong pagpapahintulot, partikular kung saan ikaw ay sumagot sa anumang paanyaya para sa survey na ipinadala namin sa iyo o kaya naman ay kusa mong ibinigay. Ang mga sagot mo sa mga ganoong survey ay nasa sa iyo. Maaari ring may mga sitwasyon kung saan kami ay hihingi ng karagdagang o tahasang pahintulot mo kung saan ito ay naaakma o kinakailangan.

Kumukolekta rin kami ng mga personal na impormasyon mula sa iyo batay sa iyong pagpapahintulot sa Cookie (pakitignan din sa ibaba sa mga talata 5 at 6) tungkol sa device na maaaring ginamit mo sa pagsali sa aming mga aktibidad sa online research para sa statistical na mga layunin, quality control, validation, pag-iwas sa panloloko/pandaraya at pagpigil sa panloloko/pandaraya.Habang ikaw ay miyembro ng Panel, awtomatiko naming kinokolekta ang mga impormasyon tungkol sa iyong device para protektahan ang mga lehitimo naming interes o hangarin, kasunod ang sa mga third party (sa karaniwan, isang kliyente o partner ng Ipsos o ibang mga Panellist) para sa mga layunin na makaiwas sa panloloko/pandaraya at paniniguro sa seguridad.

Ang pangkalahatang operasyon at kung paano gumagana ang Panel ay inilarawan nang mas detalyado sa aming Mga Tuntunin at Kundisyon.

2. Anu-ano ang mga Personal na Datos ang Kinokolekta Namin Tungkol sa Iyo?

Kinokolekta namin ang personal data ("impormasyon") na ibibigay mo sa email at sa pagkumpleto sa palatanungan para sa pag-recruit kapag sumasali sa aming Panel.

  • E-mail address, phone number at postal address;
  • Demograpiko at personal na impormasyon, kasama ang confidential na impormasyon, gaya halimbawa ng iyong kita;
  • Mga detalye sa pag-login (username at password) para sa online portal, IP address, MAC address, mobile advertising ID, lokasyon, at iba pang mga personal na detalye na naka-store sa iyong PC/laptop o iba pang computing device na kinokolekta namin sa pamamagitan ng digital fingerprinting at paggamit ng cookies.

Ang aming Panel website at mga online survey ay kumukolekta ng mga impormasyon gamit ang “cookies” at iba pang teknolohiya na may katulad na gamit. Para sa mas detalyadong pagtalakay sa cookies, pakitigna ang talata 5 sa ibaba.

Kung sakali na ang proseso ng rehistrasyon/pagpaparehistro ay hindi matagumpay na natapos, ang iyong impormasyon ay hindi namin kukunin, bukod sa ilang limitadong impormasyon para maiwasan ang anumang panloloko/pandaraya o maling paggamit.

Para sa ilang piling pag-aaral, kukuha kami ng impormasyon na maaaring hawak ng o mayroon ang ibang kumpanya tungkol sa iyo at naaakma para sa research na inanyayahan ka naming sumali. Kabilang dito ang pagpasa ng Ipsos ng mga pagkakakilanlan gaya ng iyong pangalan, postal code at/o email address sa ibang kumpanya para matukoy nila ang iyong mga rekord at saka naman ipapasa ang mga mahahalagang datos sa amin na ili-link o ikakabit sa mga sagot mo sa survey, para maanyayahan ka namin para sa panibagong klase ng survey.

Kinokolekta rin namin ang impormasyon na boluntaryo mong ibinibigay kapag tinatapos ang anumang survey na inimbita ka naming lumahok, o ang ibinibigay mong feedback, mga komento o iba pang impormasyon sa aming website ng mga Panelist.

Kapag lumahok ka sa isang online survey, kinokolekta rin namin ang ilang di-aktibong data para sa mga layunin ng kalidad tulad ng inilalarawan sa ibaba sa talata 5 at 6.

May ilang pagkakataon, may kinalaman sa aming research, na hihilingin ka namin na magbigay ng ilang sensitibong personal na datos, gaya halimbawa ng kung ano iyong lahing pinagmulan, mga opinyong politikal, mga paniniwalang panrelihiyon o pilosopikal, pagiging kasapi ng unyon, o mga datos na may kinalaman sa iyong kalusugan o kaya ay sex life. Hindi mo kailangang sagutin ang mga katanungang ito at ang mga tanong gaya nito ay palaging may kasamang option na “pinipili kong hindi sagutin.” Ang mga sagot sa mga tanong na ito ay mananatiling confidential maliban na lamang kung ikaw ay malinaw at malayang nagbigay ng pahintulot na ang iyong mga sagot sa mga tanong na ito, kasama ang iyong personal na impormasyon, ay maaaring ipasa sa mga kliyente ng research, para mas makatulong sa kanilang pag-aanalisa sa research.

Kinokolekta namin ang ilang impormasyon tungkol sa iyong device, ang hardware at software na nasa iyong device, sa pamamagitan ng Cookies (na nakalahad sa ibaba sa talata 5).

Awtomatiko rin naming kinukuha ang impormasyon ng iyong IP address, ang bansa kung nasaan ang iyong device, operating system, screen display settings, uri ng browser, paggamit ng Flash at Java, at kung ang iyong device ay may webcam.

3. Paano Namin Gagamitin ang mga Impormasyon Tungkol sa Iyo

Gagamitin namin ang mga impormasyong nakolekta namin tungkol sa iyo para:

  • Masunod/matupad ang aming kontrata/kasunduan sa iyo;
  • Magkaroon ng rekord ng lahat ng mga Panellists;
  • Padalhan ka ng paanyaya na sumali sa mga survey na naaakma sa iyo batay sa mga impormasyong ibinigay mo sa iyong mga sagot sa aming (mga) recruitment questionnaire o kung ito ay maa-update/mapapalitan sa susunod na yugto.
  • Papadalhan ka ng isang SMS message sa iyong mobile phone number na naglalaman ng verification code, para ma verify o mapatunayan ang iyong application, para ma activate ang iyong Panellist account at ma verify and iyong pagkuha sa reward. Dahil dito, ibabahagi namin ang iyong phone number sa aming pinagkakatiwalaang vendor na nagbibigay sa amin ng serbisyo, para ma kontak ka sa pamamagitan ng SMS message sa ngalan ng Ipsos (ang listahan ng mga pinagkakatiwalaang tagapagbigay ng serbisyo ay matatagpuan dito)
  • Ipatupad ang aming quality control, mga programa para sa pag-iwas at pagpigil sa panloloko/pandaraya, pagtitiyak sa seguridad, malaman kung ikaw ay miyembro na ng Panel o matukoy kung ang iyong pagiging miyembro ay resulta ng anumang bayad na ad o patalastas. Para rito, ibabahagi namin ang ilang impormasyon tungkol sa iyong device sa aming mga pinagkakatiwalaang vendor para isagawa ang mga kinakailangang pagsisiguro (ang listahan ng mga pinagkakatiwalaang provider ay matatagpuan dito)
  • Ikabit/Idagdag ang mga meron ng personal na impormasyon tungkol sa iyo sa alinman sa iyong mga sagot sa survey, gaya ng lokasyon ng iyong lugar, lahi, kategorya ng trabaho, at iba pa para sa pag-analisa ng mga sagot sa survey at paggawa ng mga “statistical research results”;
  • Isali ka sa mga draw na may papremyo kung saan maaari kang isali o naimbitahang sumali, o hiningi mong isali ka
  • Sa tahasang/malinaw mong pahintulot, na maaaring kunin sa isang partikular na survey at limitado dito, para ipasa ang iyong indibidwal na mga sagot kasama ng iyong personal na impormasyon sa kliyente na nagkomisyon/nagpagawa ng survey. Gagamitin ng kliyente ang impormasyong ito para lamang sa mga layunin ng research na ipinaliwanag sa kaugnay na survey.
  • Kung saan tahasan/malinaw kang pumayag nang hiwalay at bago pa man ibigay ang iyong mga impormasyon sa kliyente para rito, ang kliyente ay maaari ring gamitin ang impormasyong ito para makipag-ugnayan sa iyo para anyayahan kang sumali sa karagdagan o iba pa nilang research;
  • Sa iyong tahasan/malinaw na pahintulot, maaari naming ipadala ang iyong personal na impormasyon at indibidwal na mga sagot sa survey sa ibang market research na aming business partner, para sa mga sumusunod na layunin: pagpapadala sa iyo ng paanyaya para sa survey sa pamamagitan ng e-mail o telepono na may mga link na magdadala sa mga survey o paggamit sa iyong personal na impormasyon para sa paghahatid ng premyo/regalo o draw na may papremyo (kung iyon ang kaukulan) na may kinalaman sa pagsali sa mga survey ng mga market research institute. Gayunpaman, ang ganoong third party ay kinakailangan na sumunod sa mga kondisyon na ang mga datos ay maaari lamang gamitin para sa layuning statistical, research at/o paghahatid ng premyo/regalo o pag-organisa ng draw na may papremyo at hindi pinahihintulutang ibigay/ipasa o isiwalat ang datos gaya ng pangalan, postal address o iba pang personal na impormasyon na maaaring gamitin para ikaw ay matukoy/makilala.
  • Para gumawa ng anonymous o walang pagkakakilanlang mga statistical na profile ng Panel membership batay sa impormasyong ibinigay ng mga Panellist;
  • Sa iyong pahintulot, ipasa ang iyong impormasyon sa ibang grupo ng mga kumpanya ng Ipsos nang sa gayon ay maanyayahan ka nilang sumali sa mga research study na kanilang isinasagawa na maaaring naaakma sa iyo.
  • Ipapadala sa iyo sa pamamagitan ng mga email newsletter, anunsiyo at iba pang pakikipag-ugnayan tulad ng nakatakda sa Mga Tuntunin at Kundisyon. Ginagamit namin ang isa sa aming mga pinagkakatiwalaang provider para sa layuning ito (Matatagpuan dito ang listahan ng mga pinagkakatiwalaang provider). Ang provider na ito ay nakabase sa Estados Unidos na sa kasalukuyan ay walang natuklasang kakulangan sa pagprotekta ng data. Samakutuwid, nailagay ang naaangkop na proteksiyon, kabilang ang Pamantayang Kontrata na Nakasulat. Isang kopya ng karagdagang proteksiyon ang makukuha sa pamamagitan ng pagkontak sa amin tulad ng itinakda sa Talata 10Kung saan sinasang-ayunan mo na sumali sa product test, ayusin/asikasuhin na maipadala ang mga partikular na produkto sa iyo.
  • Kung sakali na ikaw ay naging miyembro ng Panel sa pamamagitan ng third-party supplier, ang supplier na ito ay maaaring sabihan na ikaw ay naging miyembro ng Panel at maaaring magkaroon ng access sa mga impormasyong ibinigay mo habang nasa proseso ng pagrerehistro.
  • Batay sa ibinigay mong impormasyon, maaari naming naisin na anyayahan ang ibang miyembro ng iyong sambahayan para sumali sa isang survey. Kung sakali na ang miyembrong ito ng sambahayan ay isang bata, pakitignan din po sa ibababa ang talata 4.

Bilang parte ng aming research sa online advertising at mga pag-aaral sa paggamit ng internet, maaari rin naming:

  • Magpapadala sa iyong mga mga imbitasyon sa pamamagitan ng text message para lumahok sa pananaliksik.
  • Inaalam kung ang computer mo o mobile device ay may webcam na kasama para maaari ka naming alukin ng partikular na mga seksiyon sa survey na nangangailangan ng paggamit ng webcam.
  • Ipadala ang iyong impormasyon sa aming mga sub-contractor o affiliated na mga kumpanya na nagsasagawa sa aming ngalan, kontrol at responsibilidad, para sa “data hosting” o kung paano inilarawan sa talata 6. Ilan sa mga sub-contractor na ito ay maaring naka-base sa labas ng Pilipinas, kung saan walang umiiral na “adequacy decision”; ganunpaman, ang mga sub-contractor na ito ay kinakailangang sumunod sa parehong “data privacy requirements” at “security arrangements” gaya namin at sasailalim sa naaangkop na mga pag-iingat (kasama ang mga standard contractual clauses), ang paglalarawan dito ay maaaring makuha sa pamamagitan ng pagkontak/pakikipag-ugnayan sa amin na nakalahad sa talata 10.

Gagawin namin ang lahat ng makatwirang hakbang para matiyak na ang anumang personal na datos na pinoproseso namin ay tama, sapat, akma, at walang kalabisan, batay sa layunin ng pagkuha sa mga ito. Hindi namin ipoproseso ang personal na datos na nakuha para sa isang layunin para sa hindi konektado/walang kinalaman na layunin maliban na lamang kung ikaw ay pumayag/nagbigay ng pahintulot.

HINDI KAILANMAN namin gagamitin ang iyong personal na impormasyon para sa ano mang layunin bukod sa research o sa kung paano inilarawan sa patakarang ito at sa Mga Tuntunin at Kundisyon. Bukod sa may kaugnayan sa Panel na ito (gaya ng pagsali sa ibang mga survey), HINDI namin susubukang bentahan ka ng kahit na ano o gamitin ang iyong personal na impormasyon para sa layon ng marketing. HINDI rin namin ipapasa ang iyong impormasyon sa mga third party para sa layon ng marketing o advertising.

4. Mga Bata

Batay sa mga impormasyong ibinigay mo, maaari rin naming naisin na anyayahan ang sino man sa mga batang wala pang 18 taong gulang na tinukoy mong miyembro ng iyong sambahayan na sumali sa isang survey. Sa mga pagkakataong iyon, palagi kaming hihingi muna ng pahintulot mula sa magulang o legal guardian, na siyang may legal na responsibilidad sa bata, bago namin anyayahan ang bata na makibahagi sa research.

5. Paggamit ng Cookies at Katulad na Code

Sa pagsali sa aming Panel at pakikibahagi sa aming online research, pumapayag ka sa paggamit namin ng cookies at mga katulad na teknolohiya (“Cookies”) at sa pagkolekta ng mga impormasyon mula sa iyong PC/Laptop o iba pang computing device na maaaring gamitin mo sa pakikibahagi sa mga aktibidad ng online research namin na nakalahad sa ibaba.

Ang aming Panel website at mga online survey ay kumukolekta ng mga impormasyon gamit ang Cookies at iba pang teknolohiya na may katulad na gamit. Ang cookies ay mga maliliit na files na nakalagay sa iyong computer. Partikular tungkol sa cookies, ang mga karagdagang detalye sa kung ano ang cookies ay makikita sa pamamagitan ng pagbisita sa www.aboutcookies.org.

Pakitignan dito para sa buong Patakaran sa Cookies (kasama ang listahan ng mga cookies).

6. Paggamit ng Digital Fingerprinting, Mga Datos ng Device, at Iba Pang Impormasyon sa Iyong Device

Kumakalap din kami ng mga impormasyon tungkol sa iyong PC/Laptop, mobile device o iba pang device, at mga hardware at software na nasa iyong device. Ang mga halimbawa nito ay ang IP address ng iyong internet connection, ang display settings ng iyong monitor, ang uri ng browser na ginamit, ang uri ng operating system, ang bansa kung nasaan ang iyong device, kung may webcam ba ang iyong device, at iba pa. Ang impormasyong ito ay ipinapadala sa aming pinagkakatiwalaang provider na siyang nagpapalit o nagko-convert nito sa “unique serial number” (ang “digital fingerprint”) at siyang tumutukoy kung ito ay tumutugma sa nagamit ng “digital fingerprints”. Ang mga datos na nakolekta sa prosesong ito at ang ginawang “digital fingerprint” ay hindi konektado sa iyong mga personal na impormasyon, ay hiwalay na naka-store sa mga secured servers, at ginagamit para lamang sa quality control at sa mga layuning makaiwas sa anumang panloloko/pandaraya, at para makatulong sa pag-iwas na ang isang respondent ay muling sumagot ng parehong survey nang higit sa isang beses, at hindi para sa iba pang dahilan o layunin.

Ginagamit din namin ang iyong mobile device ID para malaman kung ikaw ay miyembro na ng panel at para matukoy kung ang iyong pagiging miyembro ay resulta ng anumang bayad na ad o patalastas

7. Gaano Katagal Mananatili sa Amin ang mga Impormasyong iyong Ibinibigay?

Mananatili sa amin ang impormasyon ng profile na ibinigay mo hangga’t ikaw ay nananatiling isang Panellist.

Kung puputulin namin ang pagiging miyembro mo, buburahin namin ang iyong personal na impormasyon sa loob ng tatlumpu (30) araw o ayon sa nakatakda sa talatang ito. Kung puputulin mong iyong pagiging miyembro ng Panel, buburahin namin ang iyong personal na impormasyon sa lalong madaling panahon, at hindi lalagpas ng limang (5) araw kasunod ng iyong request.

Ang tanging eksepsiyon sa mga patakarang ito ay ang mga sumusunod:

  • Kung ni-redeem mo ang iyong points para sa reward, ipapanatili namin ang iyong impormasyon na kaugnay partikular sa pagkabigay ng reward nang hanggang dalawa (2) taon.
  • Kung nanalo ka ng premyo sa anumang contest, ipapanatili namin ang iyong impormasyon na kaugnay ng pagsali mo sa contest at sa pagkabigay ng premyo nang hanggang tatlo (3) taon.
  • Kung nag-file ka ng espesipikong request na "huwag akong kontakin", ipapanatili lamang namin ang impormasyon na kinakailangan para sundin ang iyong request.

"Bukod sa mga impormasyon ng iyong profile o “profile information”, kukunin din namin ang iyong mga sagot sa alinmang survey. Ang mga sagot na ibinigay mo ay isu-“pseudonymised” namin para sa seguridad at ibabahagi lamang sa aming mga kliyente sa “anonymized” na porma o walang pagkakakilanlan, maliban na lamang kung ikaw ay nagbigay ng tahasang pagpayag/pahintulot na ikaw ay matukoy. Tatanggalin din namin ang link o koneksyon sa pagitan ng iyong “profile information” at sa mga sagot na ibinigay mo sa loob ng labingdalawang (12) buwan mula sa pagtatapos ng research project.

Ang mga impormasyon na ibinabahagi sa aming “third party suppliers” (gaya halimbawa ng digital fingerprint supplier) ay na-“pseudonymized” para matiyak na ang impormasyong ito ay hindi nila matutunton pabalik sa iyong account o ng alinmang third party. Dagdag pa rito, bagaman ang mga impormasyon ng device mismo ay maaaring manatili sa amin nang mas matagal na panahon, ang mga tumanggap/tumatanggap ng mga impormasyong ito ay kinakailangang hindi panatilihin ang mismong datos o ang link sa pagitan ng impomasyong ito at ng Ipos ng higit sa 180 na araw.

8. Paano Namin Sinisiguro na ang Iyong mga Personal na Impormasyon ay Secured/Ligtas?

Talaga namang sineseryoso namin ang aming mga responsibilidad na panatilihing secured o ligtas ang iyong mga personal na impormasyon. Dahil diyan, ginagawa namin ang lahat ng makatwirang pag-iingat para masiguro na ang iyong personal na impormasyon ay maingatan sa pagkawala, pagkanakaw, o maling paggamit. Kasama sa mga pag-iingat na ito ang angkop na pisikal na seguridad ng aming mga opisina, kontroladong access sa computer systems, at paggamit ng secure, encrypted na koneksyon ng internet kapag nangongolekta ng personal na impormasyon.

Bilang parte ng aming pangako ukol sa seguridad ng iyong impormasyon, ang Ipsos ay mayroong regular na internal at external audit ng information security at ito ay sertipikadong sumusunod sa mga requirements o kinakailangan ng International Standards for Information Security ISO 27001, Market, Opinion and Social Research ISO 20252, at Quality Management ISO 9001.

9. Automated Individual Decision-Making, Kasama ang Profiling

Pagdating sa ano mang mga desisyon na batay lamang sa “automated processing”, kasama ang paggawa ng profile, mayroon kang ilang partikular na mga karapatan. Sa ilang sitwasyon, na napapaloob sa mga layuning nabanggit sa itaas, pinoproseso namin ang iyong personal na datos kasama ang sa pamamagitan ng awtomatikong mekanismo ng pagpoproseso (kasama ang paggawa ng profile). Kung kami ay tatanggi, magsususpindi o titigil sa pagbibigay ng produkto, reward, o serbisyo bilang resulta ng ano mang “automated decision”, ito ay ipapaalam namin sa iyo, at maaari mong kunin ang mga mahahalagang/naaakmang impormasyon tungkol sa lohikal na mekanismo na naging basehan sa paggawa ng desisyong iyon. Magkakaroon ka rin ng karapatan na kumuha ng “human intervention” mula sa amin, para ipahayag ang iyong pananaw at para hamunin ang desisyong iyon.

Nakalista sa ibaba ang mga espesipikong desisyon tungkol sa iyong account na batay sa mga awtomatikong proseso. Kung sakaling ikaw ay tutol/hindi sang-ayon sa alinman sa mga desisyong maaring nagawa na, makipag-ugnayan lamang sa aming “Data Protection Department” na nakalahad sa talata 10.

  • Pagrerehistro sa Panel na nauuwi sa pinal na resolusyon ng pagrehistro sa iyo bilang miyembro ng Panel
  • Pagpili ng sample, na aanyayahang/iimbitahang maging respondent sa partikular na research survey ayon sa “survey sampling specifications”.
  • Paglalaan ng mga insensitibo batay sa naakmang programa para sa mga insentibo.
  • Ang aming Panel quality program ay sinisiguro ang kalidad at katumpakan ng Panel at sample ayon sa nakalahad sa aming Mga Tuntunin at Kundisyon.

10. Paano Mo Maa-access ang Iyong Impormasyon at/o Itama ito at/o Hilingin na Ilipat ito at/o Ipabura at/o Magreklamo?

Mayroon kang karapatan na humingi ng kopya ng lahat ng impormasyon na hawak namin/nasa amin tungkol sa iyo. Mayroon ka ring karapatan na hilingin ang pagwawasto ng alinmang personal na datos na hawak namin/nasa amin namin tungkol sa iyo. Bukod dito, mayroon ka ring karapatan sa lahat ng impormasyong ibinigay mo sa amin, na ilipat sa ibang partido. Sa iba’t ibang sitwasyon, mayroon ka ring karapatan na hilingin sa amin na i-delete o burahin ang iyong mga personal na impormasyon na hawak namin/nasa amin, na napapailalim sa limitasyong nakalahad sa itaas sa talata 7. Ang mga Panellist ay may iba pang mga karapatan na nakapaloob sa ilalim ng Seksyon 16 ng Data Privacy Act.

Kung ikaw ay nagnanais na gamitin ang alinman sa iyong mga karapatan na nasa itaas, may ano mang katanungan, o nangangailangan ng karagdagang impormasyon sa aming patakaran sa privacy, ang aming pagsunod sa mga batas ng pagprotekta ng mga datos, makipag-ugnayan sa aming Data Protection Department. Maaari silang makontak sa pamamagitan ng:

Pagpapadala ng email sa: [email protected] na may subject na “Ipsos iSay Panel”.

O sumulat sa amin sa:
Ref: Ipsos PH iSay Panel
Ipsos Inc.
Attn: Philippines Data Protection Officer
7th floor, Unit A, South Tower,
Rockwell Business Center Sheridan,
Sheridan cor. United Streets,
Mandaluyong City, Philippines 1554

Sipiin ang numero ng iyong pagiging miyembro ng Panel (kung alam) o ang email address na ginamit mo sa pagpaparehistro sa Ipsos iSay sa iyong email o liham.Kung mayroon kang anumang reklamo, ipagpapasalamat namin kung bibigyan mo muna kami ng pagkakataon na resolbahin muna ang anumang isyu sa pamamagitan ng pagkontak sa amin sa mga paraang nakasaad sa itaas. Ikaw, ganumpaman, ay palaging may karapatang kumontak sa aming regulatory body, ang National Privacy Commission (NPC) sa:

https://www.privacy.gov.ph/ or

National Privacy Commission
5th Floor Delegation Building,
PICC Complex, Roxas Blvd,
Pasay, Metro Manila

Email: [email protected] / [email protected]

Phone: +63 8234-2228 loc. 128

Ang iba pang mga pambansang awtoridad sa data protection ay maaari ring tumanggap ng iyong reklamo.

12. Mga Pagbabago sa Aming Patakaran sa Privacy

Regular naming nire-review ang aming patakaran sa privacy at ilalagay namin ang anumang pagbabago sa aming webpage. Ipapaalam din namin sa iyo ang anumang pagbabago sa pamamagitan ng email o kung nag-log-on ka pagkatapos ng ano mang pagbabago. Ang aming patakaran sa privay ay huling in-update/binago noong 14/11/2022.

13. Mga Mahahalagang Link

National Privacy Commission: www.privacy.gov.ph
Marketing and Opinion Research Society of the Philippines: www.mores.org.ph
World organisation for market research - ESOMAR: www.esomar.org