Paano at bakit ako magsa-sign in?
Mag-sign in sa pamamagitan ng paglalagay ng iyong email address at password sa mga patlang na nasa itaas ng page, pagkatapos i-click ang Mag-log in na button. Bilang isang miyembro, kailangang naka-sign in ka para i-access ang iyong secured na personal na impormasyon, kabilang ang iyong Balanse sa Points at mga Survey. Tingnan ang aming Patakaran sa Privacy para sa higit pang impormasyon.
Paano ko papalitan ang aking password?
Upang palitan ang password mo, sundin lang ang sumusunod na hakbang na ito:
- Mag-log in sa Ipsos iSay gamit ang iyong email address at kasalukuyang password.
- Mula sa main menu, pumunta sa iyong Profile page.
- Piliin ang "I-edit ang Profile" at i-edit ang patlang ng password.
- Sundin ang mga instruksiyon sa page. Makakatanggap ka ng email upang kumpirmahin na pinalitan ang password.
Tandaan: Ang mga password ay case sensitive. Dapat ay hindi bababa sa 10 character ang haba ng mga ito at may kasamang 1 malaking titik, 1 maliit na titik, 1 espesyal na karakter at 1 numero. Ang mga espesyal na character ay dapat isa sa mga ito: @$!%*#?&"'()+,-.:;<=>[^_`{}~
Ano ang gagawin ko kung nakalimutan ko ang aking password?
Sundin ang link sa Nakalimutan ang Password, na katabi ng Mag-log in na button sa itaas ng website. Sundin ang mga instruksiyon para i-reset ang iyong password.
Ano ang dapat kong gawin kung ang aking email address ay hindi nakikilala kapag sinusubukan kong mag-sign in?
Tiyaking ginagamit mo ang email address kung saan natanggap mo ang Ipsos iSay survey invite para mag-log in.
Kung binago mo kamakailan ang iyong email address - at kinumpirma ito sa pag-click sa link na ipinadala namin sa iyo sa bagong address - makaka-login ka lang gamit ang bagong kumpirmadong email address. Kung sinubukan mong baguhin ang iyong email address ngunit hindi pa ito nakukumpirma, kailangan mong gamitin ang lumang email address para mag-login.
Anong mga browser ang suportado sa Ipsos iSay site?
Sa ngayon, ang Ipsos iSay website at ang mga survey ay maaaring gamitin sa mga desktop device gamit ang Google Chrome, Microsoft Edge, Firefox, at Safari. Sa iyong mobile device, accessible ang aming site gamit ang Safari, Android Webview, at Samsung Internet.
Iminumungkahi namin ang paggamit ng pinakabagong bersyon ng mga browser na ito upang matiyak na makukuha mo ang buong karanasan sa aming site. Sa ilang mga kaso maaaring suportado ang iba pang mga browser na nakalista sa itaas, ngunit kung nakaranas ka ng anumang teknikal na mga isyu na pumipigil sa iyo na i-access ang site o gamitin ang mga feature, iminumungkahi namin na i-upgrade mo ang bersyon ng iyong browser o lumipat ka sa isa sa mga iminumungkahing mga browser.