Mobile App

Ano ang Ipsos iSay app?

Ang aming mobile app ay magbibigay sa iyo ng madaling access sa aming online survey rewards community mula sa smartphone mo. Sumagot ng mga survey, magkamit ng points, at piliin ang rewards na tamang-tama para sa iyo, saan mang lugar at sa anumang oras!

  • Kumuha ng mga instant push notification kapag handa na para sa iyo ang bagong survey
  • Sumagot ng mga survey at makakuha ng rewards sa kahit saan
  • Naku-customize na mga alert at opsyon

Ang Ipsos iSay app ay available sa iOS at Android na mga smartphone. Ang app ay maaaring i-download sa App Store para sa mga iOS iPhone user o sa Google Play para sa mga Android phone user.

Uubusin ba ng app na ito ang aking battery?

Ang application na ito ay magkakaroon lamang ng kaunting epekto sa battery ng mobile phone mo habang ginagamit mo ito.

Nasa online ba ang application na ito?

Oo. Online ang application para ma i-verify ang impormasyon mo sa log-in. Sa online din ma i-access ang content na kaugnay ng iyong Ipsos iSay account tulad ng mga sinagot na survey at nakamit na points.

Magkano ang magagastos ko?

Ang application ay libreng mada-download. Hangga't ang mobile phone package mo ay may kasamang data allowance, hindi ka sisingilin para i-download o gamitin ang application. (Kung hindi kasama ang data sa iyong mobile package, sisingilin ka ng iyong network provider kapag ina-access ng application ang internet.)

Paano ko i-install ang app?

Ang app ay maaaring i-download sa App Store para sa mga iOS iPhone user o sa Google Play para sa mga Android phone user. Ang app ay maaaring gamitin sa mobile software na tumatakbo sa iOS 12.0 at mas mataas, o sa Android 8.0 at mas mataas.

Sundin itong simpleng mga hakbang para i-download ang app:

Mga iOS user

  1. Pumunta sa App Store
  2. I-type ang “Ipsos iSay” sa search bar
  3. I-tap ang “Install” na button para i-install

Android

  1. Pumunta sa Google Play store
  2. Pumunta sa seksiyon ng Apps
  3. I-type ang “Ipsos iSay” sa search bar
  4. I-tap ang “Install” na button

Ano ang mga minimum system requirement para gamitin ang app?

Simula sa Setyembre 2021, ang mga minimum requirement ay:

  • iOS: Nangangailangan ng iOS 12.0 o mas bago
  • Android: Nangangailangan ng Android 8.0 o mas bago

Tandaan na ang mga requirement na ito ay maaaring magbago habang patuloy kaming nagdadagdag ng mga bagong feature. Maaari mo laging suriin ang kasalukuyang laki sa page ng aming app sa App Store o sa Google Play.

Paano ako maglo-login sa Ipsos iSay app?

Buksan ang app sa device mo at ilagay ang email address at password na nauugnay sa iyong Ipsos iSay Membership. Pagkatapos ay i-tap ang “Log in” na button.

Gaano kalaking espasyo ang kukunin ng app sa aking telepono?

Gumagamit lamang ang Ipsos iSay app ng 16 mb para sa Android at 48 MB para sa iOS ng iyong local storage at nagpapanatili ng pinakamaliit na ekstrang data.

Tandaan na ang impormasyong ito ay valid sa Setyembre 2021. Maaaring magbago ang laki ng app habang patuloy kaming nagdadagdag ng mga feature. Maaari mo laging suriin ang kasalukuyang laki sa page ng aming app sa App Store o sa Google Play.

Gagamitin ba ng app ang aking plan?

Gagamit ang app ng maliit na bahagi ng iyong data. Ang app ay hindi gumagamit ng data habang bukas sa background dahil ginagamit nito ang mga operative system service para sa mga notification. Iminumungkahi rin namin na gamitin ang app habang ina-access ang internet gamit ang Wi-Fi connection kung mas gusto mong iwasan na gamitin ang iyong data plan.

Paano ko malalaman kung gaano kalaking data ang ginagamit ng Ipsos iSay?

Android

  1. Buksan ang "Setting" na menu sa iyong device.
  2. Sa ilalim ng Wireless at mga network, pindutin ang Data usage.
  3. Makikita mo kung gaano kalaking data ang ginagamit ng Ipsos iSay app sa ilalim ng graph. Nakalista ang mga app ayon sa kung gaano kalaking data ang nagamit ng mga ito, kaya baka kailangan mong mag-scroll para malaman

iOS

  1. Pumunta sa Settings > Cellular, pagkatapos i-tap ang Cellular Data.
  2. Mag-scroll para mahanap ang Ipsos iSay at tingnan kung gaano kalaking data ang nagamit ng app.
  3. May opsyon ka na "i-off" ang toggle, pagkatapos ay gagamit na lang ang iyong iPhone ng Wi-Fi para sa Ipsos iSay app.

Sinusundan ba ng app ang aking lokasyon o ang paggamit ng aking telepono?

Hindi sinusundan ng Ipsos iSay app ang iyong lokasyon pati na ang paggamit ng mobile phone mo. Kung maglalabas man kami ng ganitong feature sa hinaharap, gagawin lamang ito kapag may pahintulot mo at may tamang paliwanag kung paano namin balak gamitin ang data.

Paano ko buburahin / i-uninstall ang application?

Android

Upang i-uninstall ang app, i-drag ang app icon mula sa menu (hindi sa home screen) sa bahagi ng screen na nagsasabi ng "I-uninstall" at bitawan ito doon.

iOS

Hawakan at i-hold ang Ipsos iSay app icon sa Home screen hanggang sa gumalaw ang mga ico, pagkatapos ay i-tap ang "X" para burahin ito.

Tandaan: Ang pagbura sa Ipsos iSay app ay magbubura din sa laman na data, ngunit hindi nito puputulin ang iyong Ipsos iSay account. Maaari mo laging i-download ang Ipsos iSay ulit sa susunod.