Ano ang Ipsos iSay?
Ang Ipsos iSay ay isang online survey rewards community, na binubuo ng milyun-milyong miyembro sa buong mundo. Ang aming mga miyembro ay nakakakuha ng oportunidad na ibahagi ang kanilang mahahalagang opinyon sa pamamagitan ng pagsagot sa mga survey na tumutulong sa paghubog ng mga produkto at serbisyo na ginagamit nating lahat araw-araw. Bilang sukli sa pagsagot sa mga survey, nag-aalok kami ng iba't ibang gantimpala na iyong mapagpipilian!
Paano ako makakasali sa Ipsos iSay?
Maaari kang sumali nang direkta sa aming website o sa aming mobile app! I-click lang ang "Sumali Ngayon" na button sa home page.
Ang form sa pagpaparehistro ay magtatanong ng ilang mga katanungan tungkol sa iyo at inyong sambahayan. Ginagamit namin ang impormasyong ito para itugma ka sa mga survey na may kaugnayan sa iyong profile at sa iyong mga pag-uugali bilang isang konsiyumer.
Bakit ako sasali sa Ipsos iSay? Ano ang mga benepisyo ng isang miyembro?
Ang pagsali sa Ipsos iSay ay may kasamang maraming benepisyo!
Narito ang mga makukuha mo:
- Makakakuha ng points sa pamamagitan ng pagsagot sa mga survey, i-redeem ang iyong points sa pamamagitan ng pagpili mula sa mga sari-saring rewards.
- Impluwensiyahan ang mga konsiyumer at mga gumagawa ng desisyong pang-sosyal gamit ang iyong mga iniisip at opinyon.
- Palaging LIBRE ang pagiging miyembro
May magagastos ba para maging miyembro ng Ipsos iSay?
Talagang LIBRE lagi ang pagiging miyembro! Walang mga nakatagong bayarin at babayaran namin ang lahat ng mga gastos (kabilang na ang mga gastos sa pag-papadala ng mga produktong susubukan at mga gantimpala). Sa katunayan, sa tuwing makikibahagi ka sa pananaliksik sa Ipsos iSay, nakakakuha ka ng mga puntos na maaari mong i-redeem para sa iyong mga paboritong reward.
Gaano kadalas akong kokontakin ng Ipsos iSay?
Makikipag-ugnayan kami sa iyo sa pamamagitan ng email hanggang dalawang beses bawat araw kung mayroon kang (mga) survey na magagamit. Magpapadala rin kamin sa iyo paminsan-minsan ng karagdagang mga email at iba pang update mula sa Ipsos iSay, nang ilang beses sa isang buwan.
Magkano ang perang kikitain ko sa pagsagot sa mga survey?
Kapag sasagot ka ng mga survey, makakakuha ka ng points na maaaring i-redeem para sa mga pipiliin mong reward tulad ng mga gift card virtual prepaid card, merchandise, at donasyon sa kawanggawa.
Kung pinangakoan ka ng maraming pera sa pagsagot ng mga survey, ang alok na ito ay hindi galing sa Ipsos iSay at hindi ito lehitimo. Bilang isang miyembro ng Ipsos iSay (at sa karamihan ng ibang lehitimong mga kumpanya sa market research) hindi ka kikita ng malaki sa pagsagot sa mga survey, ngunit makakakuha ka ng mga reward at ang opinyon mo ay maririnig ng mga nangungunang gumagagawa ng desisyon.
Paano kung ayaw ko nang maging miyembro ng Ipsos iSay?
Laging kusang-loob ang pagiging miyembro mo sa Ipsos iSay, at maaari kang magpasya kung sasagutin mo ang anumang survey na inimbitahan ka. Kung nais mong putulin ang pagiging miyembro mo, i-click ang Putulin ang Pagiging Miyembro na link na matatagpuan sa iyong Profile page at sundin ang mga instruksiyon.
Paano makakausap nang direkta ang Ipsos iSay support?
Ang aming Member Support team ay available sa pamamagitan ng email. Kung hindi mo mahanap ang sagot sa iyong tanong sa aming mga FAQ, i-click lang ang link para Makipag-ugnayan sa Suporta. Babalik kami sa iyo sa lalong madaling panahon. Sa tuwing makikipag-ugnayan ka sa team ng suporta, higit na makakatulong ang isang screenshot. Kung maaari, tiyaking kumuha ng screenshot ng isyung iniuulat mo at ipadala ito sa pamamagitan ng email bilang attachment sa address na [email protected].