Pagdating sa internet, nauunawaan namin na may maraming bagay na maaaring nakakabahala. Dito sa Ipsos iSay, bukas kami tungkol sa ginagawa namin, anong hindi namin ginagawa, at kapag nagkamali kami. Narito ang ilang mga karaniwang tanong at ikinababahala na natanggap namin mula sa mga miyembro.
Kung hindi ninyo sinusubukang magbenta sa akin ng kahit ano, bakit lagi ninyo akong tinatanong kung balak kong bumili ng isang bagay?
Ang mga tanong sa survey na "Balak mo bang bumili ng produktong ito" ay para malaman kung anong uri ng mga tao ang interesado sa isang produkto. Halimbawa, alam na natin na ang mga lalaki ay mas malamang na bumili ng trimmer ng bigote at ang mga babae ay mas malamang na bumili ng curling iron. Gayunpaman, minsan mahirap malaman kung anong uri ng mga tao ang magiging interesado sa iba pang partikular na mga produkto, kaya nagtatanong kami.
HINDI namin kailanman susubukang magbenta sa iyo ng kahit ano!
Sa tingin ko sinisingil ng Ipsos iSay ang aking credit card! Paano ito nangyari?
Hindi kailanman hihingin ng Ipsos iSay ang impormasyon ng credit card mo at hindi kami naniningil para sa pagiging miyembro. Libreng sumali at libreng sumagot ng mga survey sa Ipsos iSay. Kung naniniwala kang nakita mo ang pangalan ng Ipsos isay sa iyong credit card bill, malamang galing ito sa pekeng naniningil, na mula sa ibang tao at hindi mula sa Ipsos iSay. Maaari mong Kontakin Kami at ipaalam kaagad sa iyong credit card company.
Bakit ako nakakakuha ng spam matapos mag-sign up sa Ipsos iSay?
Hindi kailanman ibinabahagi ng Ipsos iSay ang email address mo sa kahit kanino – 100% garantisado. Nakarehistro kami sa Habeas at sa TRUSTe, dalawang nangungunang organisasyon sa email compliance, pati na sa nangungunang pandaigdig na mga market research na organisasyon, kabilang ang Casro, ESOMAR, MRA, and MRIA. Nakadepende ang aming negosyo sa katotohanan na sumusunod kami sa mga kinikilalang proseso sa email. Hindi kami kailanman nang-ii-spam at hindi namin ibinibenta o ibinabahagi ang aming mga listahan ng kontak.
Hindi ko nakuha ang reward na inorder ko. Anong nangyayari?
Kahit na karamihan sa aming virtual rewards ay ibinibigay kaagad, sa ilang mga kaso ay mas matagal ang pagbibigay. Kung naghintay ka nang mas matagal simula sa oras ng pag-order mo, maaari mong Kontakin Kami para mas matingnan namin ang isyu.
Bakit nakakatanggap pa rin ako ng mga email kahit na matagal ko nang pinutol ang pagiging miyembro ko?
Hindi ka na makakatanggap ng mga email mula sa Ipsos iSay sa loob ng 5 araw matapos putulin ang pagiging miyembro mo. Kung makakatanggap ka pa rin ng mga email pagkatapos nito, ito ay marahil nagparehistro ka gamit ang ibang email address. Tingnan ang pinakabagong Ipsos iSay email na natanggap mo para makita kung sa aling address ito naipadala, at humiling na putulin ang pagiging miyembro mo sa address na iyon. Kung patuloy kang makakatanggap ng mga survey nang higit sa 5 araw matapos mong putulin ang pagiging miyembro mo, maaari mong Kontakin Kami.
Pinangakoan ako na kikita ako ng maraming pera sa pagsagot ng mga survey, ngunit hindi nangyari. Bakit iyon?
Kung pinangakoan ka na kikita ka ng maraming pera sa pagsagot ng mga survey, ang alok na ito ay hindi galing sa Ipsos iSay at hindi ito lehitimo. Bilang isang miyembro ng Ipsos iSay (at sa karamihan ng ibang lehitimong mga kumpanya sa market research) hindi ka kikita ng malaki sa pagsagot sa mga survey, ngunit makakakuha ka ng mga fun reward at ang opinyon mo ay maririnig ng mga nangungunang gumagagawa ng desisyon.
Pinangakoan ako ng bayad o reward para sa pagsali, ngunit hindi ko ito natanggap. Anong nangyari?
Ang ilang mga miyembro na sumali sa Ipsos iSay ay maaaring ni-refer sa amin ng isang third-party site na nangako ng bayad para sa pagsali sa Ipsos iSay. Ang mga bayad na iyon ay responsibilidad ng kumpanyang nag-refer. Hindi nag-aalok ang Ipsos iSay ng bayad para sumali. Kung inasahan mo ang bayad at hindi mo ito natanggap, maaari mong kontakin ang site na nangako nito sa iyo.
Inimbitahan ako ng Ipsos iSay na sumali sa pamamagitan ng pagpapadala ng spam email. Paano mo nakuha ang aking contact information?
Hindi kailanman magpapadala ang Ipsos iSay ng spam emails. Maaari ikaw ay nasa listahan ng kontak ng aming mga affiliate provider, kaya maaaring nakatanggap ka ng imbitasyon para sumali sa Ipsos iSay sa pamamagitan nila. Bilang isang kumpanya ng online market research, nakikipagtulungan kami sa iba't ibang mga provider ng opt-in at double-opt-in-email address para patuloy na palakihin ang aming panel at matiyak ang nasyonal na paglalarawan.
Kung hindi ka interesado sa pagsali sa Ipsos iSay, paki-click ang unsubscribe link sa dulo ng imbitasyong natanggap mo, at hindi ka na namin padadalhan ng mga imbitasyon upang sumali sa community. Tandaan na maaaring hindi nito mapipigilan ang ilan naming mga provider mismo na magpadala sa iyo ng mga imbitasyon.
Bakit lagi akong nai-screen out o hindi nagiging kwalipikado sa mga survey?
Maraming survey ang naghahanap ng partikular na mga katangian na maaari o maaaring hindi naaangkop sa iyo. Ang pagka-screen out o hindi pagkwalipika sa mga unang yugto ng survey ay tumitiyak na hindi namin sinasayang ang oras mo sa pagsagot sa buong survey.
Ang ilang mga survey ay naghahanap din ng partikular na bilang ng respondent mula sa partikular na demograpikong grupo. Kapag natapos ang survey nang maaga sa iyo, maaaring ibig sabihin nito na mayroon na kaming kinakailangang bilang ng respondent mula sa iyong demograpikong grupo.